Monday, February 13, 2006

mga pagninilay...

i love you... shucks...

Apat na araw na akong may sakit. Over-fatigue na rin siguro sa dami ng trabaho. Malapit na din kasi yung event - nakaka-kaba na nakaka-excite at the same time. Wala kasi akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay - parang "first time" ko. (LOL)

Di ako makapasok sa opisina dahil natatakot akong may mahawa. Sa panahong ito, "bawal magkasakit" na ang motto namin. Kung di ako nagkakamali last year, nagkasakit din ako - after the UP fair nga lang.

Nalungkot akong mabasa ang post ni myang. Nalungkot rin sa ibinalita ni ali. Feel ko parang ang hirap hirap ng mundo. Reklamo ko sa sarili ko ay parang di ako makuntento sa ginagawa ko. Ang ibang tao nagtatrabaho dahil sa self-fulfillment ika nga. Samantalang ako bukod sa self-fulfillment na yan, may financial responsibilities na rin akong kailangang gawin.

May celphone bills na kailangang bayaran, toiletries, damit at sapatos na kailangang palitan. Pang-gasto kapag sabado - pambaon para sa pang araw-araw. Allowance sa pamasaheng pumapatak sa Php 120 bawat araw na siyang iaawas sa aking 4-digits na sweldo. Walang overtime - wala pang benepisyo. Ni di ko pa kakayaning bumuhay ng pamilya.

Gusto ko nang mag-negosyo - ngunit sa kakarampot kong sweldo ay walang natitira - walang naiipon. Sa lagay na ito ay di pa ako maluho sa katawan - ni di nga ako maluho sa pagkain. Di ako gumigimik kapag sabado or mag-out-of-town. 60 pesos lang ang ginagastos ko sa pagkain - minsan kung pwedeng libre na, gagawin ko pang ganun. Kung may gusto akong CD or libro ay dalawang linggo ko munang pag-iipunan iyon. Pag-iisipan kung iyon nga talaga ang gusto ko or kung may kakilala akong mahihingan noon.

Mahirap talaga..

Natatakot na ako...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

gulong.. gulong lang ng gulong..

Page Hits: free-counters.net @ free hit counters