Monday, September 18, 2006

Sa Paglipad

It gets lonely at the top...

It gets lonely at the top.. yun ang sabi nila.. siguro, bilang anak ni rizal yan ang kapalarang naghihintay sa mga tulad ko.. agresibo, metikuluso.. di naniniwala sa pwede na.. o pepwede na.. Bakit kailangang ikumpura ang sarili sa siyang tinatawag na normal kung maari namang makagawa ng mas mabuti.. mas maganda.. o mas magaling...

Ngunit nakakapagod rin ang buhay - lalo't alam kong di ko ikasasaya ang "normal".. nararamdaman kong malaking pagtataksil ang pag-iisip ng pwede na.. isang malaking pagtataksil sa milyong-milyong Filipino na nagpawis upang pag-aralin ako...


***************************
Dont' assume that I'm okay....

Siguro isa ito sa pinaka-malaking pagkakamali na nagawa sa akin.. "Not because it's okay with you, okay na rin sa akin.." Nawa'y pakinggan niyo naman kung ano ang gusto ko... I could fend for myself.. be independent - but it does not mean that I do not need anybody in my life.. Just because I do not complain - don't assume that I'll be okay with whatever is left for me.....

*************************
I am tired....

Ilang araw ko na rin sigurong sinasabi ang mga katagang ito. Pagod na ako. Puno na ako. Siguro dahil nakikita ko na pinipilit ninyo na gawin ko ang mga bagay na di ko na ikakasaya.. mga bagay na sobra na sa dapat kong gawin.. mga bagay na hindi naman ako dapat ang gumagawa.. di ibig sabihin na nagkusa ako minsan ay ako na "panghabang buhay" ang gagawa nun.. Kailan mo kaya makikita na di dahil sa ginawa ko na minsan ay masaya akong gawin pa ulit yun...


************************

Hinga na lang.. sabi ko naman ay hinga na lang....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

gulong.. gulong lang ng gulong..

Page Hits: free-counters.net @ free hit counters