Friday, February 02, 2007

Going to Calaruega

i love you... shucks...

Nakakatawa... Piyesta ngayon sa Silang, Cavite. Naalala ko ang mga overnight sa bahay ni Kitchie. Ang lamig ng probinsya. At siyempre, ang sarap ng pagkain.

Masarap "mabondat" kung piyesta. Lalo na kung kada dalawang oras ay gusto kang pakainin. Hirap nga lang kung ayaw mo tumaba - tila wala kang laban. Ang tukso'y nasa harap mo lamang!

*************************************
Busy ako kanina. Di yung busy-busyhan lang ah. Biglang may nagtext sa akin. Di ordinaryong sms ang pinadala kundi MMS. Aba, larawan ng kutsarang may ube ang natanggap ko. Galing kay Scott - nang-iinggit na kumakain na siya kina Kitchie.

(OT: paborito ko po kasi ang UBE at balita ko'y tila pang Good Sheperd ang quality ng ube na ginawa ng lola ni Kitchie)

*************************************
May araw rin yan piyesta na yan sa akin.
(at ang araw na yan ay bukas, Feb.3.. bwahahaha)
*************************************
First time ko palang pupunta sa Calaruega. Kasal kasi ng pinsan kong si Kuya Jomar. Wala pa akong isusuot kasi lahat ng damit ko di ata bagay sa lamig ng Tagaytay - o kung di naman ay di na magkasiya sa akin. (oh well, what's new)

Magpopost na lang ako ng kung anu-ano sa Mon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

gulong.. gulong lang ng gulong..

Page Hits: free-counters.net @ free hit counters