Friday, December 16, 2005

sa may Quezon Ave...

Nakikita ko na ang Golden Arches.....

"Quezon Ave Station, Quezon Ave Station"

Papalabas na ako ng tren noon. Mukhang candy na ang kalawakan. Napatigil ako sa gitna ng tunog ng mga putok. Bumuntong hininga at napa-isip. Di ako umabot...

Kinita ko si Cesang sa baba ng hagdanan. Inis na rin siya. Masyado raw maaga natapos - tila sayang naman ang pinunta niya. Nagmamadali kaming kumuha ng taxi - ngunit di nagtagumpay. Bumalik na lang kami uli tuloy sa pila ng jeep.

Dama ko ang lamig ng hangin ng gabing yun. Habang sakay ng jeep, naalala ko yung pakiramdam ng ginagabi sa campus... Mahahabang lakad sa acad oval habang humihitit ng yosi.. Nag-iisip...

Bumaba kami sa tapat ng Quezon Hall. Wala na yung mga tao - tila lumipat na siguro sila sa concert sa may Bahay ng Alumni. Nagte-text si Cesang. Di ko mawari na si Sandeng pala ay hinahap na kami. Nasa may chapel raw siya. Medyo "badtrip." Mag-isa lang raw kasi siya nanood ng fireworks...

Sabi ko maghapunan na lang kami sa Katipunan. Pumayag naman si Cesang. Medyo nagkagulo lang kami kung san nga ba kami iikutan ni Sandeng - di raw kasi maka-ikot sa oval yung kotse niya.

Sinundo na lang niya kami malapit sa Masscom. Habang papalakad dun, tila bumalik sa akin ang alala ng fireworks display nung isang taon - kasama ko pa si Irene noon. Nasa grass kami malapit sa veranda ng Masscom- nakaupo at nagtatawanan. Malamig din noon - pero ibang lamig.

Pumunta na lang kami sa A Venetto sa may Libis. Lam kong walang tao dun - lilibre ko na lang sila ng pizza. Sayang di nakasunod si Ali - nasa Bayan na raw siya sa Marikina kasi. Pinasunod ko na lang si Scott sa restaurant. Gutom na rin raw kasi siya.

Habang kumain, nagkayayaan na sumama na rin si Sandeng at Cesang sa panonood namin ng Ms. Engg. First time ko nga rin ng gabing yun. Masaya naman siguro...

Ang hirap makakakuha ng parking slot. Nagsisiksikan ang mga sasakyan sa kolehiyo. Nakakandado pa pala ang gate sa may Engg Steps. Umikot pa kami sa lagusan malapit sa dorm ng Yakal.

Habang papunta dun ay nakasalubong ko pa ang ilang mga kaibigan at kakilala. "Ate" na ang tawag nila sa akin. Natawa ako. Sabi nila ay wala raw ba akong kasama, at kung ganoon eh nasa loob lang raw ng lobby si Stan. Nanonood din ng Ms. Engg. Kasama ko si Scott nun at parang natawa na lang ako sa hirit nila.

Pagpasok ko nga ng Engg si Stan nga ang una kong nakita. Miss ko na nga siya. Mukhang di siya ngarag ngayon. Naalala ko tuloy si John. Miss ko na rin yun.. Kamusta na kaya yun?

Pumuwesto na lang kami sa likod. Kaya lang lumapit si Stan -wag raw kami dun at marami raw nagkakagulo doon kanina. Tapos bigla na lang siyang naglaho.

Pumuwesto kami ni Scott sa gilid. Ang daming kumakamusta sa kanya - sa akin - di ko na tuloy maalala. Andoon yung mga tao galing engg, galing IE club, galing Samaskom at ilang tao na di ko na rin maalala o nakilala. Para kaming nangangampanya.

Nakakatawa pala ang Miss Engg. Ang gagandang lalaki noong mga contestant. Ang bakla ng script - gatungan pa na orgmate ko sa Samaskom yung host. Parang Live AIDS na hindi ang gabi.

Sumagi tuloy sa isip ko kung ano kayang itsura ni Arnold nung sumali siya nung isang taon. Parang di ata bagay...
(Hmm... o kung si Scott kaya ang sumali? yarks!!!)

Pagkatapos ng kay tagal na panahon ay nakita ko ulit si Malor. Magkakilala pala sila ni Sandeng. Mag-kaklase pala sila sa isang course noon. Nagulat rin si Sandeng kung bakit kilala ko si Malor. Sabi ko orgmate ko - saka siya nagpa-date sa akin kay Scott noon...

Tinanghal na yung mga nanalo... Nagsigawan... Tawanan...Kamustahan...

Pero malamig pa rin ang gabi.....

1 Comments:

Blogger illusions said...

I do wish you wrote this in English :)

12:02 PM  

Post a Comment

<< Home

gulong.. gulong lang ng gulong..

Page Hits: free-counters.net @ free hit counters