Thursday, March 23, 2006

Blogging

I've been surfing the net for the past 2 hours.. Why? For once, I have nothing to do.. Why? Because I've done my part and my boss just happens to be missing (well, technically, she's in a meeting right now...)...

Di ako makausad sa trabaho kasi kailangan ko pa ng "go" signal mula sa "itaas"...

May overtime po ako sa Saturday.. Gusto ko sana mag-Laguna - pero mukhang di na rin mangyayari yun.. Kapos na rin ako sa pera - gusto kasi nina mama ng bagong ref.. so pagbigyan ang gusto..

Dami ko nang mga napagnilayan.. aalis na si jill.. Sayang naman kasi ang pinag-aralan niya.. (nursing kasi)

Naalala ko yung usapan namin ni Dianne nung isang araw. Buti pa si Jill, alam niya kung ano siya sa buhay.. alam niya kung ano yung specific na career na kailangan niya tahakin.. Ang buhay kasi di tulad na nung dati.. Di tulad na kapag tumapos ka ng Grade School, alam mo na High School ang kasunod.. tapos College.. Pero after College - mahirap na pala... masyado nang malawak...

Sabi ko kay Dianne that with greater freedom comes greater responsibilities.. (isama mo na rin siguro ang greater problems, bigger expectations..) Dahil ang career path ng buhay namin ay di "paved" in advance, ngayon nakikita namin na ang hirap ng di pala "naka-focus" din...

Gusto ko ng trabaho na appreciated ako sa mga ginagawa ko.. Na nakikita nila yung halaga ko, di lang sa pagpuna ng mga nagagawa ko.. pero kasama na rin yung pagbigay ng natatamang sweldo...

Hay......

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

gulong.. gulong lang ng gulong..

Page Hits: free-counters.net @ free hit counters