Saturday, December 24, 2005

Maligayang Pasko sa lahat...

i love you... shucks...


Malamig ang simoy ng hangin.. (totoo naman eh.. lamegg!!!)

Wala kaming handa sa noche buena.. para sa napaka-practical na rason..
SOBRANG daming handa bukas kina lola...
Masasayang lang ang pagkain kung magluluto ng marami...

Naglilinis ako ng kuwarto kanina.. At may narealize akong mga kailangan ko sa kuwarto.. Kung may magreregalo sa akin sa pasko.. Sana mga abubot sa kwarto o pang-tulong mag-organize...

Ang aking Christmas Wishlist:

1. Peace on Earth (seryoso to ah..)
2. Bumuti ang kalagayan ng ekonomiya.. para makinabang ang lahat..
3. Gusto ko ng Harry Potter or Chronicles of Narnia na libro.. para masimulan ko kumpletuhin..
4. Yoga Mat (para makapag-yoga na ako..)
5. 2 green boxes galing sa 88 peso store... para magamit ko sa opisina..

ito na siguro yung pinaka no-fuss Christmas list ko.. hahaha....

Thursday, December 22, 2005

PICTURES!






Christmas Season...

Posting random pictures taken this holiday season.. more to come I guess!!!!

Monday, December 19, 2005

kawawang UEJ-ie

kawawa naman yung kotse ni bebe..
ang laki ng bangga...

hehe...

scotty-boy!!! miss na kita!!!!

Sunday, December 18, 2005

Christmas Dinner


ali's pre birthday celebration turned out okay...

ang tatakaw ng mga tao..

ang sarap ng pasta, inihaw, isaw.. carrot cake.. chocolates....... shiyeet...



pero kaunti lang kinain ko.. watching my weight.. hehe.. :) talaga lang noh????



nway, miss you dose!!!!

next mission: to see dianne and jill
to see k5 people!!!!

Friday, December 16, 2005

sa may Quezon Ave...

Nakikita ko na ang Golden Arches.....

"Quezon Ave Station, Quezon Ave Station"

Papalabas na ako ng tren noon. Mukhang candy na ang kalawakan. Napatigil ako sa gitna ng tunog ng mga putok. Bumuntong hininga at napa-isip. Di ako umabot...

Kinita ko si Cesang sa baba ng hagdanan. Inis na rin siya. Masyado raw maaga natapos - tila sayang naman ang pinunta niya. Nagmamadali kaming kumuha ng taxi - ngunit di nagtagumpay. Bumalik na lang kami uli tuloy sa pila ng jeep.

Dama ko ang lamig ng hangin ng gabing yun. Habang sakay ng jeep, naalala ko yung pakiramdam ng ginagabi sa campus... Mahahabang lakad sa acad oval habang humihitit ng yosi.. Nag-iisip...

Bumaba kami sa tapat ng Quezon Hall. Wala na yung mga tao - tila lumipat na siguro sila sa concert sa may Bahay ng Alumni. Nagte-text si Cesang. Di ko mawari na si Sandeng pala ay hinahap na kami. Nasa may chapel raw siya. Medyo "badtrip." Mag-isa lang raw kasi siya nanood ng fireworks...

Sabi ko maghapunan na lang kami sa Katipunan. Pumayag naman si Cesang. Medyo nagkagulo lang kami kung san nga ba kami iikutan ni Sandeng - di raw kasi maka-ikot sa oval yung kotse niya.

Sinundo na lang niya kami malapit sa Masscom. Habang papalakad dun, tila bumalik sa akin ang alala ng fireworks display nung isang taon - kasama ko pa si Irene noon. Nasa grass kami malapit sa veranda ng Masscom- nakaupo at nagtatawanan. Malamig din noon - pero ibang lamig.

Pumunta na lang kami sa A Venetto sa may Libis. Lam kong walang tao dun - lilibre ko na lang sila ng pizza. Sayang di nakasunod si Ali - nasa Bayan na raw siya sa Marikina kasi. Pinasunod ko na lang si Scott sa restaurant. Gutom na rin raw kasi siya.

Habang kumain, nagkayayaan na sumama na rin si Sandeng at Cesang sa panonood namin ng Ms. Engg. First time ko nga rin ng gabing yun. Masaya naman siguro...

Ang hirap makakakuha ng parking slot. Nagsisiksikan ang mga sasakyan sa kolehiyo. Nakakandado pa pala ang gate sa may Engg Steps. Umikot pa kami sa lagusan malapit sa dorm ng Yakal.

Habang papunta dun ay nakasalubong ko pa ang ilang mga kaibigan at kakilala. "Ate" na ang tawag nila sa akin. Natawa ako. Sabi nila ay wala raw ba akong kasama, at kung ganoon eh nasa loob lang raw ng lobby si Stan. Nanonood din ng Ms. Engg. Kasama ko si Scott nun at parang natawa na lang ako sa hirit nila.

Pagpasok ko nga ng Engg si Stan nga ang una kong nakita. Miss ko na nga siya. Mukhang di siya ngarag ngayon. Naalala ko tuloy si John. Miss ko na rin yun.. Kamusta na kaya yun?

Pumuwesto na lang kami sa likod. Kaya lang lumapit si Stan -wag raw kami dun at marami raw nagkakagulo doon kanina. Tapos bigla na lang siyang naglaho.

Pumuwesto kami ni Scott sa gilid. Ang daming kumakamusta sa kanya - sa akin - di ko na tuloy maalala. Andoon yung mga tao galing engg, galing IE club, galing Samaskom at ilang tao na di ko na rin maalala o nakilala. Para kaming nangangampanya.

Nakakatawa pala ang Miss Engg. Ang gagandang lalaki noong mga contestant. Ang bakla ng script - gatungan pa na orgmate ko sa Samaskom yung host. Parang Live AIDS na hindi ang gabi.

Sumagi tuloy sa isip ko kung ano kayang itsura ni Arnold nung sumali siya nung isang taon. Parang di ata bagay...
(Hmm... o kung si Scott kaya ang sumali? yarks!!!)

Pagkatapos ng kay tagal na panahon ay nakita ko ulit si Malor. Magkakilala pala sila ni Sandeng. Mag-kaklase pala sila sa isang course noon. Nagulat rin si Sandeng kung bakit kilala ko si Malor. Sabi ko orgmate ko - saka siya nagpa-date sa akin kay Scott noon...

Tinanghal na yung mga nanalo... Nagsigawan... Tawanan...Kamustahan...

Pero malamig pa rin ang gabi.....

Thursday, December 15, 2005

sa isang saglit...

minsan sa buhay mo.. may topak ka.. tapos, wala ka na magagawa.. tila nalulunod ka na sa sandaling iyon...

magpapasko na..
brr.. malamig....

ilang sandali na lang din ay parating na rin ang bagong taon...

ngunit tulad pa rin ng dati...
tulad pa rin ng dati....

Wednesday, December 07, 2005

OVERTIME!

waiting for my 13th mo pay.. hay


i want my weekend...

Friday, December 02, 2005

Feeling Lonely...

"ei, let's meet up before I go..."

Day, aalis ka na pala?

Nway, what do you when you have work the whole week? Whole day! Literally mon-sun?

You just die....

gulong.. gulong lang ng gulong..

Page Hits: free-counters.net @ free hit counters